Hindi Ko Kaya
Hindi ko kaya… bakit hindi ko makaya. Masakit man sa akin… alam mo yan pero pinili ko pa ring iwan ka. Dahil alam kong ito’y tama … maraming humahadlang sa atin tuwing tayo’y magkasama. Ngunit bakit palagi kang nagpapakita sa akin… tinutukso… tinatawag. Nadudurog ang puso ko kapag may nakahawak sa yong iba. Nasasaktan ako kapag nakikita kong labi nila’y nararamdaman mo. Alam ko masaya sila sa piling mo… at yan ang palagi mong pinapakita sa akin. Lahat sila’y nababaliw sa ligayang dulot mo… Ngunit bakit palagi ka sa aking harapan… tinatawag mo ang aking pangalan… nahihirapan ako… lalo ngayong wala akong kasama sa aking pag-iisa. Lumapit ka sa akin … pikit matang ika’y hinawakan… alam mong ako’y nagpipigil … ngunit amoy mo pa lang ako’y napapapikit at ika’y dumampi sa aking mga labi. Binigay mo ulit ang matagal ko ng hindi nararamdaman. Andito ka ulit sa aking tabi. Sinamahan mo ako sa aking pag-iisa… pina-ikot mo ang diwa kong ayaw gumana. Ginising mo ang dugo kong matagal ng natutulog. Sa bawat dampi mo sa aking labi… Ahhhh … hindi ko kaya… hinahanap pa rin kita… ikaw ang karamay sa aking pag-iisa… ang anino mo’y pilit pumapasok sa aking katauhan. Kahit saan ikaw ay hahanapin… naglalaway sa pananabik.. hindi ko kaya… kahit ngayon lang…. wag mo muna akong iwan….
“’Ta Mary, isang stick nga po ng yosi yung lights… pasindi na rin. Hay! Namiss ko ang yosi…”
masaya ba ako… oo masaya ako
Masaya ba ako… Oo, masaya ako
Maririnig mo ang dagundong ng aking halakhak
Masaya ba ako… Oo, masaya ako
Mauulinagan mo ang pagpihit ng aking pagtawa
Masaya ba ako… Oo, masaya ako
Makikita mo ang tamis ng aking ngiti
Masaya ba ako… Oo, masaya ako
Ngunit bakit ka nagtataka
Nang makita mong mata ko’y walang saya
(wala lang net…)
Ngunit bakit ka nagtataka
Nang makita mo sa aking pagtulog ako’y may luha
(napagod sa pagcomputer)
Ngunit bakit ka nagtataka
Nang makita mong lagi akong tulala
(naka-adik lang ako non)
Ngunit bakit ka nagtataka
Nang makita mong sa gabi ako’y balisa
(may lbm ako hehehe)
Ngunit… Shhhhh
Oo, tama ang lahat ng nakita mo…
Ako’y humahalakhak pero mata ko’y may luha
(baliw… tamang baliw lang)
Ako’y tumatawa pero mukha ko’y walang ligaya
(minsan tupperware ako eh)
Ako’y ngumingiti pero ito’y ngiwi
(baka kasi bagay sa akin ang crooked smile)
Basta … oo masaya ako at yan ang trip ko
Nagsawa ka na ba…
Palagi kong sinasabi ang luv yah
Palagi kong sinasabit ang miss yah
Sa iyong pagsagot at pagbato ng katagang ito
Para akong sisang nangingisi
Gustong hanapin ang ngalan mo
Walang sawa ang patumanggang palitan
Umabot ng ilang buwan …
Ngunit bakit tumamlay… hindi ko na mahagilap
Parang nilipad ni Ondoy ang luv yah
Parang nalunod sa baha ang miss yah
Sana meron na lang akong kanser
Malalaman ko ang taning ng pag-aalala mo
Mabuti pa ang mamatay
Hindi ko na malalaman ang paglisan mo
Sana ako’y pelikula
Alam ko kung the end na
Pero eto ako nakatanghod, nag-aabang
Naghihintay… masabi mo pa rin kaya
Ang luv yah… mis yah….
IM FREE NOW
Yes! I’m free now!
Sa wakas… the end!
Yes, im free now!
Period walang bura-bura
Im free now! Talaga!?
Bakit hindi ako makatakbo
Bakit hindi ako makalipad
Bakit hindi ako makagalaw
Totoo im free now! Talaga!?
Bakit mabigat ang aking pakpak
Bakit maraming sumasakay, nakahawak
Bakit maraming sumasabit, pumipigil
Ano ba?! Im free now! Talaga!?
Bakit sa paglingon ko may umiiyak
Ok lang yan… matutuyo din ang mga luha
Bakit sa paglingon ko may nalulungkot
Ok lang yan,, look tomorrow ayos na
Bakit sa paglingon ko….
Ano ba!!! Im free now!!!
Tanggapin nyo na!!!!
kalusin
Kinimkim ko ang lahat
Isang lihim na pilit sinarili
Pilit kong ibinabaon sa limot ng panahon
Upang matakpan ang lahat
Ngunit paano ko makakalimutan
Kung sa sulok ng aking isip ibig kumawala
Tinutugis ako ng aking mga alaala
Sa tuwing dadapo sa aking isip
Bumabalot sa aking sarili ang pagkukunwari
Ang mga lihim na gusto ko ng iwaksi
Saan ba dapat matapos ang lahat
Ang nagliliyab na galit
Maiintindihan kaya ako ng gabi
Mauunawaan kaya ako ng araw
Matuturuan ba ako ng panahon
Sa mga oras na papalapit na
Dapat nang wakasan ang paghihirap
Gusto kong bitawan ang aking katwiran
Paano ko maipapaliwanag ng walang masasaktan
Ang mga lihim na gustong kong hukayin na
Ikaw ba’y totoo
Ikaw ba’y totoo
O sadyang binulag mo ako
Ang totoong hanap ko
Bakit biglang naglaho
Ikaw ba’y totoo
O sadyang pinaglaruan ako
Ang totoong hanap ko
Bakit pinagtawanan mo ako
Ikaw ba’y totoo
Bakit hindi ko maramdaman ito
O sadyang takot ka lamang
Ang totoong nararamdaman mo
trip lang
gabing madilim
takot aking kinikimkim
dagundong ng kulog
matatalim na kidlat
isang unos ang naghuhudyat
labis kong ikinatakot
dapat ko bang ikabigla
ako’y nangangamba
liwanag ito ba’y darating
pagkatapos ng unos na dumating
hinahagilap ang liwanag
kinakapa at walang maapuhap
ngunit ako’y maghihintay
liwanag makakamtam din
sisilip at ngingiti
at sasabihing ….
ok ka lang naka-adik ka naman ano!!!!!
Ngeeee!
Kasinungalian…
Para akong nasa isang kahon
Puno ng mga tanong
Pilit na ibinabaon
Sa habang panahon
Dapat nga bang wakasan
Ang kasungalingang inilaan
Dapat bang tapusin
Ang kasungalingang ibig na lisanin
Ngunit bigla kang dumating
Ang kahon ko’y maiiba rin
Salamat sa iyong pagdating
Lumabas ako sa kahong
Nagpapahirap sa akin
Ngunit bakit ang kahong pinaglagyan
Hindi bago at ganun din lamang
Kasungalingang pilit na tinatakasan
Yan din ang aking kinalalagyan
Ang kahon ng kasungalingan
Yan din ang bigay mo sa akin
Hindi rin pala naiiba
Tulad din ng dati… nakakulong pa rin…
Sa kasinungalingan
I couldn’t sleep last night
I couldn’t sleep last night
because I know that what we had was real.
And if in some distant place in the future
we see each other in our new lives,
I’ll smile at you with joy and remember
how we spent the summer beneath the trees,
learning from each other and growing in love.
The best love is the kind that awakens the soul
and makes us reach for more,
that plants a fire in our hearts
and brings peace to our minds,
and that’s what you’ve given me.
That’s what I hope to give to you forever.
I love you. I’ll be seeing you.
tadhana…
Sabi nila mapaglaro ang tadhana… minsan hindi mo akalain isa ka pala sa mapaglalaruan nito. Depende na lang kung paano niya ito ilalaro sa yo… minsan magugulantang ka na lang sa mga mangyayari para bang isa kang lobo na kapag nabitawan ka lilipad ka ng hindi mo alam kung ikaw ba’y puputok sa kalawakan o babaksak sa lupa na walang hangin… sasabit sa kung saan ka masasabit o may makakakuha sa yo.
Ang tadhana ba ang magsasabi kung ano ang magiging kapalaran mo… kung ano ang dapat mangyari sa yo… o dapat bang umayon ka sa agos ng tadhana o makipaglaro sa gusto niyang laro.
Mahirap arukin… mahirap maipaliwanag pero darating sa iyo ang hindi inaasahang dulot ng tadhana… masaya, malungkot, masakit… depende na lang kung anong emosyon ang nararapat sa bawat tadhanang darating sa yo.
Ang hirap sumabay sa dulot ng tadhana… para bang hindi mo talaga ito dapat iwasan o takasan… dapat mo itong harapin… lunukin … paglabanan… pag-aralan… matutunan. Ang tadhana ba ang gumagawa ng mangyayari o ikaw ang gumagawa ng tadhana… ang tadhana ba ang umaayon o ikaw ang umaayon sa tadhana.
Sana ang tadhanang dumating … hindi ka bibiruin ng para bang magmumukha kang nakalutang, tuliro… sana ang tadhanang dumating… ay ang tamang tadhana … malalabanan ba ito… maiiwasan ba ito…
Sana hindi ako biruin ng tadhana… sana hindi ako pagtawanan ng tadhana… sana di ako masaktan ng tadhana… sana nakangiti akong haharap sa tadhana.